--Ads--

Naaresto ng mga awtoridad ang isang 34-anyos na lalaki na kabilang sa talaan ng mga wanted person sa isinagawang operasyon sa Cauayan City, nitong Sabado ng umaga, Mayo 30.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Pin,” may asawa at residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:15 ng umaga nang ipatupad ng mga tauhan ng Cauayan City Police Station, katuwang ang iba pang operating units, ang warrant of arrest laban sa suspek.

Matapos ang pag-aresto, agad na ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatan alinsunod sa itinakda ng batas.

--Ads--

 Naitala rin ang buong operasyon sa pamamagitan ng Alternative Recording Device o ARD bilang bahagi ng umiiral na police operational procedures.

Samantala, itinakda ng hukuman ang piyansang nagkakahalaga ng dalawang libong piso para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Cauayan City Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago iharap sa korte.