--Ads--

‎Arestado ang dalawang sales associate matapos mahuli sa umano’y pagnanakaw ng mga kable sa loob ng isang mall sa Santiago City.

‎Kinilala ang mga suspek sa alyas na sina “Gel,” 23-anyos, residente ng Gamu, Isabela; at “Ben,” 27-anyos, may asawa, residente ng Echague, Isabela.

‎Batay sa ulat, napansin ng isang merchandiser ang kahina-hinalang paglalagay ng isang kahon ng Wiremax wires at cables na may sukat na 8.00 mm at habang tinatayang 100 metro sa isang motorsiklong nakaparada sa basement ng establisimyento.

‎Agad niya itong iniulat sa kanyang supervisor, na siya namang nagpaabot ng impormasyon sa pamunuan ng mall security.

‎Sa beripikasyon, napag-alamang pagmamay-ari ni alyas “Gel” ang Honda Click 125, habang ang isa pang kahon ng kable ay narekober mula sa Rusi 150 na Motorsiklo at pagmamay-ari naman ni alyas “Ben.”

‎Sa follow-up na imbestigasyon at roving, nakumpirma na ang mga suspek ay umano’y kumuha ng mga nasabing kagamitan nang walang pahintulot at sinamantala ang kanilang posisyon bilang empleyado.

‎Narekober ang mga ninakaw na kable na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱13,800 at naibalik sa pamunuan ng mall

‎Kasalukuyang nasa kostudiya ng Pulisya ang mga suspek at Nahaharap sa kasong Qualified Theft.