--Ads--

Pag-aagawan ng Premier Volleyball League teams na PLDT High Speed Hitters at Creamline Cool Smashers ang unang panalo sa semifinal round ng 2026 All-Filipino Conference.

Gaganapin ang laban sa MOA Arena sa Pasay City, kung saan maghaharap din ang Cignal Super Spikers at Farm Fresh Foxies sa unang laro.

Parehong galing sa panalo sa qualifying at play-in rounds ang mga koponan, kaya inaasahan ang matinding bakbakan sa Final Four.

Una nang tinalo ng PLDT ang Creamline sa kanilang unang paghaharap sa conference.

--Ads--