--Ads--

Muling magtatagpo ang Cignal at Creamline sa 2026 Premier Volleyball League All-Filipino Conference sa ikatlong pagkakataon.

Kapwa may 1-0 record sa semifinals, maglalaban ang Super Spikers at Cool Smashers ngayong 6:30 ng hapon sa SM Mall of Asia Arena para sa mas malapit na puwesto sa finals.

Sa unang laro sa 4:00 ng hapon, maghaharap ang PLDT at Farm Fresh na parehong hangad makabawi matapos matalo sa opening games ng Final Four.

Tinalo ng Cignal ang Farm Fresh habang nanaig ang Creamline kontra PLDT sa limang set sa unang semifinal matches.

--Ads--

Ayon kay Cignal coach Shaq delos Santos, pag-aaralan nilang mabuti ang laro ng Creamline na kilala bilang isa sa pinakamalakas na koponan sa liga.

Nagkaharap na rin ang Cignal at Creamline sa preliminaries kung saan nanalo ang Creamline, bago bumawi ang Cignal sa Qualifying Round.

Sina Gandler, Santos, Tiamzon at iba pang key players ang aasahan para sa Cignal, habang pangungunahan naman ng Creamline sina Valdez, Carlos at De Guzman.