--Ads--

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na walang special treatment kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa gitna ng inisyung arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya bilang “indirect co-perpetrator” sa kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa war on drugs.

Ayon sa hepe ng PNP, ipatutupad nila ang batas nang walang takot o pabor.

Ipinaliwanag din niya na sa pagpapatupad ng mga warrant of arrest, katuwang ng PNP ang iba’t ibang law enforcement agencies kabilang ang Department of Justice (DOJ).

Samantala, muling binigyang-diin ngayong araw ng Malacañang, sa pamamagitan ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro, na walang isinasagawang operasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) o Philippine National Police (PNP) para arestuhin si Dela Rosa.

--Ads--