--Ads--

Binigyang-diin ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang umano’y pondong nagmula sa China na nauugnay kay Vice President Sara Duterte at sa kaniyang asawa na si Atty. Mans Carpio.

Ayon kay Trillanes may mga implikasyon umano sa national security ang pagtanggap ng pondo mula sa isang dayuhang pamahalaan, lalo na kung sangkot ang isang mataas na opisyal ng bansa.

Sinabi ni Trillanes na mahigit P319 milyon umano ang pumasok na pondo sa kumpanyang Cale88 na inuugnay kay Carpio.

Samantala, sinabi rin niyang P150 milyon umano ang natanggap ng Tapang at Malasakit Foundation ni Duterte mula sa mga government entity at korporasyon sa China.

--Ads--

Hindi naman tinukoy sa pahayag ang mga dokumentong pinagbabatayan ng mga naturang alegasyon.