May aasahan ang mga motorista ng malakihang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa unang linggo ng Hunyo.
Batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at foreign exchange averages sa nakalipas na apat na araw ng trading, sinabi ng isang source mula sa industriya ng langis na inaasahang magkakaroon ng rollback sa presyo ng langis sa susunod na linggo.
Ang diesel, posibleng matapyasan ng P6.50 – P7.50 per liter. Habang ang gasolina naman, maaaring mabawasan ng P3.50 hanggang P4.50 bawat litro habang may 9 hanggang 10 piso na bawas din sa kada litro ng Kerosene.
Samantala, inaasahang mananatili sa limitadong galaw ang presyo ng gasolina sa Asya ngunit maaaring bumaba pa ito dahil sa mga nangyari kamakailan sa Gitnang Silangan, ayon sa source.
Ang opisyal na pagbabago sa presyo ng langis ay inanunsyo tuwing Lunes at ipinatutupad kinabukasan.










