--Ads--

CAUAYAN CITY– Nawalan ng tustos ang kuryente ang ilang kabahayan at establisyimento sa kahabaan ng Poblacion, San Mateo, Isabela matapos na sumabit sa kawad ng kuryente ang isang trialer truck.

Ayon sa driver ng truck na si Ariel Gascon galing pa sila sa Bulacan at patungo sana sa Lalawigan ng Cagayan.

Aniya mataas ang trailer truck na loaded kaya naman sumabit ito sa kable ng kuryente.

Nahuila ng truck ang kable sanhi para matumba ang poster at masira ang fire hydrant.

--Ads--

Dahil sa insidente ay nagkaroon gn power interruption para maayos ang  bumagsak na poste.

May inisyal na na pag uusap kung saan nagkaroon ng assestment sa total damages sa insidente.