--Ads--
Posibleng tumaas muli ang presyo ng diesel, gasolina at kerosene sa susunod na linggo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado noong Setyembre 7 hanggang 11.
Batay sa apat na araw na trading, maaaring tumaas ng ₱4 hanggang ₱5 kada litro ang diesel, ₱5 hanggang ₱6 sa gasolina, at ₱4 hanggang ₱5 sa kerosene.
Sa world market, nagkaroon ng average increase na ₱4.50 kada litro sa diesel, ₱5.50 sa gasolina at ₱4.85 sa kerosene.











