--Ads--

Posibleng muling tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, na maaaring umabot sa ₱2.25 kada litro, bunsod ng patuloy na tensyon sa Middle East.

Ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas, maaaring tumaas ng ₱1.75 hanggang ₱2.25 kada litro ang presyo ng diesel, habang posibleng madagdagan naman ng ₱1 hanggang ₱1.50 kada litro ang presyo ng gasolina.

Sinabi ni Bellas na nakabatay ang pagtataya sa unang apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore o MOPS at sa galaw ng foreign exchange.

Aniya, patuloy na umaakyat ang presyo ng langis dahil sa muling pagtaas ng geopolitical premium, kasunod ng paghina ng posibilidad ng diplomatikong solusyon sa tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

--Ads--

Dagdag pa niya, nakaaapekto rin sa merkado ang pangamba sa posibleng matagal na krisis at pagkaantala sa normal na paglalayag sa Strait of Hormuz.