--Ads--

Hinahatulan ng korte sa Hong Kong si Jimmy Lai, pro-democracy media tycoon, ng 20 taong pagkakakulong matapos siyang makulong sa ilalim ng national security law na ipinatupad ng Beijing.

Ang 18 taon ng hatol ay idadagdag sa dati niyang limang taong sentensiya sa kasong pandaraya.

Si Lai, 78 anyos at founder ng dating pahayagang Apple Daily, ay nahatulan noong Disyembre ng dalawang bilang ng foreign collusion at isang bilang ng seditious publication.

Dahil sa kanyang edad at kondisyon sa kalusugan, posibleng manatili na lamang siya sa kulungan hanggang sa kanyang kamatayan.

--Ads--

Kasama rin sa hatol ang anim na dating senior staff ng Apple Daily, isang aktibista, at isang paralegal na nakatanggap ng sentensiya mula 3 taon at 3 buwan hanggang 10 taon.

Ang kaso ni Lai ay nagdulot ng mariing pagtutol mula sa mga human rights groups at mga pamahalaan ng ibang bansa, na tinawag ang proseso bilang panlilinlang at banta sa press freedom. Sinabi ng mga otoridad ng Hong Kong na ang kaso ay walang kinalaman sa kalayaan sa pagpapahayag.

Ang sentencing ay bahagi ng mas mahigpit na kontrol sa media sa Hong Kong simula nang ipatupad ang national security law noong 2020, na nagresulta sa pagsasara ng Apple Daily at pagkawala ng trabaho ng daan-daang mamamahayag sa nakalipas na apat na taon.