--Ads--

Patay ang isang kilalang vlogger na iniulat na sumusuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos pagbabarilin habang nagmamaneho sa isang national highway sa Carrascal, Surigao del Sur nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Philip Engbino, 48-anyos, may asawa at tubong Minglanilla, Cebu. Siya rin ang manager ng EZMMI GenCon, isang contractor ng Strong Group Mining Corp. (SGMC).

Batay sa mga ulat, nagmamaneho si Engbino ng puting pickup truck na pag-aari ng SGMC nang pagbabarilin dakong alas-6 ng umaga sa Barangay Bacolod.

Bukod sa pagiging manager ng kumpanya, aktibo rin si Engbino sa social media bilang vlogger at nagpahayag ng suporta kay dating Pangulong Duterte.

--Ads--

Ayon sa company records, lumabas ang sasakyan ni Engbino sa Gate 2 ng mining facility dakong alas-4:35 ng hapon noong Sabado, Oktubre 3.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang Carrascal Police kaugnay sa insidente.