--Ads--

CAUAYAN CITY- Inaasahang maalis sa kanyang pwesto si P/Senior Supt. Merwin Quarteros, Provincial Director ng Quirino Police Provincial Office (QPPO)

Ito ay batay umano sa Standard Operating Procedure (SOP) ng PNP na kung ang isang himpilan ng pulisya ay sinalakay ay kaagad maalis sa pwesto ang nakaupong Provincial Director kasama na ang hepe.

Gayunman, nakahanda si Senior Supt. Quarteros na mapalitan sa kanyang pwesto dahil hindi siya nagkulang sa pagpapaalala sa mga tauhan na laging maging alerto at handa lalo na kung sila ay nasa oras ng trabaho.

Iginiit ng opisyal na handa siyang sumunod sa anumang kautusan mula sa nakatataas na pinuno ng PNP.

--Ads--

Nilinaw din niya na wala si P/Chief Insp. Jun Balisi, hepe ng Maddela Police Station nang salakayin ng mga New People’s Army (NPA) ang nasabing himpilan ng pulisya.

Sinabi ni Senior Supt. Quarteros na isang pulis lamang na si SPO4 Antonio Siriban ang dinala ng mga rebelde ngunit pinakawalan din.

Matatandaang napatay sa palitan ng putok si PO2 Jerome Louie Cardenas sa pagsalakay ng umaabot sa halos 100 kasapi ng NPA sa Mddela Police Station dakong alas diyes ng gabi noong Sabado, April 29, 2017.