--Ads--

CAUAYAN CITY – Naghigpit ang Luna Police Station sa mga border checkpoints papasok sa kanilang bayan dahil sa pagdami na naman ng kaso ng nagpositibo sa virus.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Pedro Bunagan, ang Deputy Chief of Police ng Luna Police Station sinabi niya na mayroon silang boundary to boundary checkpoints kung saan binabantayan ang mga pumapasok na mamamayan upang matiyak na hindi na kumalat pa ang kaso ng Covid 19.

Aniya may mga truck na nagsasakay ng mga pasaherong galing sa ibang lugar at patagong pumapasok sa kanilang bayan kaya kailangan nilang maghigpit sa mga checkpoints.

Sa kasalukuyan ay nasa animnaput pito ang aktibong kaso ng Covid 19 sa Luna Isabela.

--Ads--

Ayon sa RHU Luna magkakatrabaho ang mga nagpositibo at kumalat na sa iba pa nilang katrabaho.

Ayon kay PLt. Bunagan marami pa rin silang nahuhuling lumalabag sa panuntunan tulad ng hindi pagsusuot ng facemask at faceshield.

Ipinapatupad na rin ng Luna PS ang bagong EO ng pamahalaang panlalawigan at marami na rin silang nahuli na lumalabag.

Aniya, multa at community service ang ipinapataw na kaparusahan sa mga violators.

Upang mapaalalahanan naman ang mga mamamayan sa mga panuntunang ipinapatupad ay patuloy ang Luna PS sa kanilang isinasagawang pag iikot sa mga barangay para sa Oplan Tambuli.

Muli namang nagpaalala si PLt. Pedro Bunagan sa mga mamamayan ng Luna na sumunnod sa mga minimum health protocols upang maging ligtas sa virus na Covid 19 lalo na at mayroon nang kumakalat na Delta Variant.

Ang bahagi ng pahayag ni PLt. Pedro Bunagan, ang Deputy Chief of Police ng Luna Police Station.