--Ads--

CAUAYAN CITY – Kabilang ang ilang lugar sa Rehiyon Dos sa isinailalim sa Alert level 4 ng DOH dahil sa mga naitalang kaso ng Covid 19 virus at ng Delta variant nito.

Kabilang sa nailagay sa Alert Level 4 sa Rehiyon ang mga lalawigan Cagayan, Nueva Vizcaya, at Quirino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Rio Magpantay, ang Region Director ng DOH Region 2, sinabi niya na kasalukuyan ang kanilang pakikipag ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Nueva Vizcaya dahil sa pagkakatala ng isang kaso ng Delta Variant ng Covid 19.

Aniya nakarekober na ang pasyente noong ikadalawampu ng Hulyo ngunit patuloy ang isinasagawang aggressive contact tracing ng mga kinauukulan sa mga nakasalamuha nito upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

--Ads--

Ang tinitingnan ngayon ng DOH Region 2 ay kung saan nakuha ng pasyente ang virus dahil mayroon din siyang travel history sa ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Dr. Magpantay ang mga samples na kanilang ipinapadala sa Philippine Genome Center ay mula sa ibat ibang lugar sa rehiyon na nagkakaroon ng clustering ng mga kaso.

Dahil nagkaroon ng Delta variant ay pinaigting ng DOH ang protocols kaya isinailalim sa Alert level 4 ang rehiyon dahil sa mga naitalang kaso ng Covid 19 virus.

Ang ibig sabihin ng Alert Level 4 ay nasa ‘moderate to critical risk’ ang isang lugar habang ang ‘healthcare utilization rate (HCUR)’ ay lagpas sa 70%.

Ang Alert Level ang gagabay lamang sa national at lokal na pamahalaan sa uri ng aksyon na ipatutupad laban sa COVID-19.

Aniya ito ay bilang paghahanda lamang at maigting na pagkontrol sa mga taong pumapasok sa border upang hindi rin makapasok ang delta variant.

Iginiit ni Dr. Magpantay na nasa moderate risk lamang ang rehiyon at tanging ang lalawigan ng Cagayan at lunsod ng Tuguegarao ang nasa high risk classification dahil sa mataas na kaso ng covid 19.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Rio Magpantay.