--Ads--

Nilinaw ni Anti-Money Laundering Council Executive Director Ronel Buenaventura na batay sa kanilang records, ang mga remittance ay ipinadala sa Cale88 at hindi direkta kina Vice President Sara Duterte at sa kanyang asawang si Manases Carpio.

Ayon kay Buenaventura, wala ring nakasaad sa AMLC records na ilegal ang mga business entities na nakipagtransaksyon sa Cale88.

Wala rin umanong binabanggit sa AMLC report na ang mga China-based entities na nakipagtransaksyon sa Cale88 ay kumakatawan sa China o sa Chinese government.

Giit ni Buenaventura, wala ring records na nagpapakitang ang China ang nag-funnel ng pondo patungo sa Cale88.

--Ads--

Binigyang-diin din niya na ang paghahain ng suspicious transaction reports o STRs ay hindi nangangahulugang may naganap nang ilegal na aktibidad.

Aniya, korte pa rin ang magpapasya kung may naganap na money laundering at kung ilegal ang isang transaksyon.