--Ads--

Muling pinatunayan ni mixed martial arts star Ronda Rousey ang kaniyang husay matapos nitong dominahin si kapwa MMA pioneer Gina Carano sa kanilang matagal nang inaabangang comeback bout sa Los Angeles nitong Sabado, Mayo 16.

Sa loob lamang ng 17 segundo, mabilis na tinapos ng 39-anyos na si Rousey ang laban matapos pabagsakin si Carano at isumite ito sa pamamagitan ng kanyang pamosong armbar submission sa non-title featherweight match na ginanap sa Intuit Dome.

Kapwa kinikilala sina Rousey at Carano bilang dalawa sa pinakamahalagang babaeng mandirigma sa kasaysayan ng mixed martial arts dahil sa kanilang malaking ambag sa pagpapasikat ng women’s MMA mahigit isang dekada na ang nakalilipas.

Bago ang naturang laban, huling lumaban si Carano, 44-anyos, noong 2009 bago ito tuluyang lumipat sa Hollywood kung saan lumabas siya sa ilang action films.

Samantala, si Rousey naman ay nagretiro noong 2016 matapos ang magkasunod na pagkatalo kina Holly Holm at Amanda Nunes sa UFC.

Muling nagbalik sa octagon ang dalawang beteranong fighter dahil sa iniulat na multi-million dollar deal mula sa isang streaming giant na nagdala sa kanila sa mataas na inaabangang laban.

Gayunman, nauwi sa mabilisang pagtatapos ang matinding build-up ng sagupaan nang halos agad na maipakita ni Rousey ang kaniyang dominasyon