--Ads--

Nasawi ang isang operatiba ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) matapos tamaan ng bala sa isang sniper ambush habang patungo sa operasyon sa Buadiposo Buntong, Lanao del Sur nitong Mayo 4.

Ang biktima ay kinilalang si Police Corporal Kelvin DC Francisco, isang residente ng Jones, Isabela.

Ayon sa inisyal na impormasyon, papunta ang grupo sa target area upang ipatupad ang warrant of arrest laban sa isang indibidwal na nahaharap sa kasong murder at attempted murder nang sila ay biglaang paputukan ng isang sniper.

Tatlo pang SAF personnel ang nasugatan sa insidente, kabilang ang isang miyembro ng Special Operations Group na kasama sa nasabing operasyon.

--Ads--

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang clearing operations sa lugar habang pinaiigting ang manhunt laban sa suspek na nakatakas matapos ang pananambang.

Samantala, kinilala ng kanyang mga kasamahan si PCpl. Francisco bilang isang dedikadong pulis na nag-alay ng kanyang buhay sa paglilingkod sa bayan.