--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang sales lady matapos mabangga ng pampasaherong bus habang tumatawid sa kalsada na  nasasakupan ng Barangay Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.

Ang biktima ay nakilalang si Julie Gumo, 49-anyos, isang sales lady na residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, batay sa pagsisiyasat ng San Mateo Police Station napag-alaman na patungong Ramon Town Proper ang Victory Liner Bus habang patawid naman sa kalsada ang biktima ng maganap ang insidente.

Pauwi na sana ang ginang mula sa pamilihan at papunta sana sa kabilang bahagi ng kalsada ng bigla siyang nabangga ng bus na umano’y nag overtake sa sinusundang sasakyan.

--Ads--

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima sanhi para magtamo ng malubhang sugat sa katawan habang nagkalat naman ang mga pinamili niya sa kalsada.

Agad siyang dinala sa pagamutan ng rescue team subalit idineklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician.

Ang sanagkot na bus ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng PNP San Mateo.