--Ads--

Nananatili umanong tahimik ay mapayapa ang bayan ng San Guillermo, Isabela, ayon sa mga kapulisan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sherwin Concha, officer-in-charge ng San Guillermo Police Station, sinabi nito na laging nagsasagawa ang kanilang hanay ng information dissemination sa publiko hinggil sa tamang  pagsunod sa mga umiiral na ordinansa.

Kabilang sa mga lagi nilang pinaalalahana ay ang mga motorista upang makaiwas sa mga aksidente sa kalsada lalo na at ito ang kadaladang naitatalang insidente sa kanilang nasasakupan.

Simula Enero 2026, mayroon nang mahigit 20 kaso ng reckless imprudence resulting to damage to property and physical injuries.

--Ads--

Ayon kay PMaj. Concha, mahigpit din ang ginagawang monitoring ng mga kapulisan sa mga turistang nagtutungo sa kanilang bayan lalo na tuwing gabi upang matiyak ang kanilang kaligtasan at maiwasan ang krimen.

Samantala, patuloy din ang ginagawang hakbang ng San Guillermo Police Station sa pagpapanatili sa bayan ng San Guillermo bilang drug-cleared municipality.

Labindalawa sa mga barangay na nasasakupan nito ay deklarado nang drug free.

Sa kabuuan, mayroon umanong naitalang 50 na PWUDS o Persons Who Use Drugs sa kanilang bayan. 25 sa mga ito ay sumailalim na sa adjudication at nag -negative na sa drug test.