Pinayagan ng Sandiganbayan Third Division si dating House Speaker Martin Romualdez na dumalo sa kanyang arraignment at pre-trial sa pamamagitan ng videoconference ngayong Setyembre 16.
Ito ay matapos pagbigyan ng korte ang urgent motion ni Romualdez na makadalo sa mga naturang proceedings online.
Isasagawa ang arraignment at pre-trial ni Romualdez mula sa Quezon City Jail, kung saan siya kasalukuyang nakadetine.
Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder na dinidinig ng Third Division ng Sandiganbayan.
Matatandaan na inaresto si dating House Speaker Martin Romualdez noong Setyembre 7 matapos maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan kaugnay ng kasong plunder.
Una siyang dinala sa Cardinal Santos Medical Center bago inilipat sa Philippine General Hospital para sa independent medical examination.
Matapos ideklarang clinically stable at hindi na nangangailangan ng hospital confinement, inilipat si Romualdez sa New Quezon City Jail sa Payatas.
Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y P7.2 bilyong kickbacks mula sa mga infrastructure project noong 2022 hanggang 2025. Kasama rin sa kaso sina dating Ako Bicol Representative Zaldy Co at iba pang akusado.











