--Ads--

Inihayag ni Department of Education Secretary Sonny Angara na magsisimula ang school year 2026–2027 sa Hunyo 8.

Kasabay nito ang pagpapatupad ng three-term school calendar ng DepEd na nakasaad sa DepEd Order No. 009, s. 2026 na nilagdaan noong Abril 16.

Ayon sa kalihim, pormal na bubuksan ang mga klase sa Lunes at magtatapos sa Huwebes, Abril 8, 2027.

Magkakaroon ng kabuuang 201 class days mula sa unang araw ng Term 1 hanggang sa huling araw ng Term 3.

--Ads--

Dagdag pa niya, maaaring magkaroon ng mga pagbabago sa school calendar kung may mga hindi inaasahang pangyayari, sa pamamagitan ng mga susunod na kautusan.