Iginiit ni Senator Jinggoy Estrada na gagamitin niya ang lahat ng legal na remedyo matapos alisin ng Sandiganbayan Fifth Division si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan bilang co-accused sa plunder at graft case na kinakaharap ng senador.
Ayon kay Estrada, nirerespeto niya ang desisyon ng korte ngunit hindi nito tinatapos ang kanyang mga hakbang sa ilalim ng batas.
Sinabi rin niyang patuloy siyang aasa sa due process at rule of law upang maprotektahan ang kanyang mga karapatan at malinis ang kanyang pangalan.
Samantala, sinabi ng Sandiganbayan na saklaw ng prosecutorial discretion ng Ombudsman ang pagpili kung sinong akusado ang maaaring gawing state witness.
Si Bonoan ay inalis bilang co-accused matapos siyang pumayag na makipagtulungan sa Ombudsman at tumestigo umano hinggil sa alegadong ₱500-milyong kickback scheme sa mga flood control project.











