Tumangging magpasok ng plea si Senator Jinggoy Estrada sa P573 milyong plunder at graft cases na isinampa laban sa kanya kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa anomalya sa flood control projects.
Dahil dito, ang Sandiganbayan Fifth Division ang nagpasok ng not guilty plea para sa senador.
Dumating si Estrada sa Sandiganbayan nitong Huwebes na saklay matapos magtamo ng injury sa kaliwang tuhod. Ayon sa kanyang doktor, biglang nagkaroon ng cracking sound sa kanyang tuhod habang tumatayo mula sa pagkakaupo, na sinundan ng matinding pananakit at hirap sa paglalakad.
Samantala, ibinasura ng Sandiganbayan ang akusasyon laban kay dating Public Works Secretary Manuel Bonoan matapos siyang gawing state witness ng Ombudsman laban sa mga sangkot umano sa flood control mess.
Dahil dito, si Estrada na lamang ang natitirang akusado sa graft case na nakabinbin sa Fifth Division.










