Pinabulaanan ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang pahayag ni Senador Rodante Marcoleta na may kaugnayan sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang nakaambang kasong plunder laban sa kanya.
Ayon kay Lacson, ang nauna niyang pahayag tungkol sa posibilidad na makulong o masuspinde ang siyam na senador ay isang hypothetical na sitwasyon lamang kaugnay ng kinakailangang bilang ng boto sa impeachment trial.
Samantala, iginiit ni Marcoleta na layunin umano ng kasong plunder na inihahanda ng Office of the Ombudsman na pigilan siyang makilahok sa impeachment proceedings at maglantad ng korapsyon.
Nauna nang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na malapit nang maisampa sa Sandiganbayan ang kaso laban kay Marcoleta kaugnay ng umano’y P75 milyong donasyon na natanggap niya noong siya ay kongresista pa.











