--Ads--

Nanindigan ni Senator Imee Marcos na may mga blankong pahina ang bicameral report ng 2025 National Budget.

Inihayag ng Senadora na dalawang dokumento ang tinutukoy kung saan ang mga blankong pahina ay hindi nakarating o nakaabot sa Pangulo kundi sa kanilang mga senador lamang para malagdaan.

Giit niya na may mga blanko sa bicameral report  subalit ang nakarating sa Pangulo ay kumpleto na.

 Aminado rin ang Senador na may kakulangan ng pondo para sa mga flagship projects ng pamahalaan partikular ang imprastraktura matapos matapyasan ng pondo ang DPWH.

--Ads--

Dagdag pa niya na kung sana ay naging masinop lamang sana sa alokasyon ang pamahalaan ay maaaring magkaroon pa ng pondo para sa subsidy sa mga magsasaka sa halip na ginamit ang pondo sa pamumulitika.