Nakikiisa si Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña sa panawagan kay Quezon City Representative Bong Suntay na humingi ng paumanhin matapos ang kontrobersyal na pahayag niya tungkol sa aktres na si Anne Curtis, kasagsagan ng pagtalakay ng House Justice Committee sa ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Cendaña, tungkulin ng mga pampublikong opisyal na isulong ang respeto sa kababaihan at tiyakin na ang lahat ng lugar ay ligtas para sa kanila.
Kaugnay nito, mariing kinondena ng House Committee on Women and Gender Equality ang pahayag ni Suntay.
Giit naman ni Laguna 1st District Representative Ma. Rene Ann Lourdes Matibag, hindi simpleng biro o harmless comment ang sinabi ni Suntay, dahil ito ay nagre-reduce sa isang babae bilang object ng sexual imagination, malinaw na sexist at nakalalait.
Aniya, walang lugar sa anumang institusyon ang ganitong uri ng pahayag, lalo na sa mga dapat nagtataguyod ng respeto at propesyunalismo. Binanggit din niya na ang freedom of speech ay hindi dapat maging dahilan para palampasin o pahintulutan ang misogyny.








