CAUAYAN CITY – Nasa mabuti pa ring sitwasyon ang Magat Dam batay sa monitoring ng NIA-MARIIS.
Matatandaang nagkaroon ng pagpupulong ang OCD Region 2 at iba pang ahensya ng pamahalaan at natalakay ang siltation sa Magat Dam.
Dahil dito ay nagkaroon ng rekomendasyon ang PDRRMO sa pamunuan ng NIA-MARIIS na magkaroon ng contingency plan para sa posibleng dam break.
Batay sa report ng National Irrigation and Administration o NIA-MARIIS nasa 380 million cubic meters na ng siltation materials ang naipon sa reservoir o apatnapu hanggang limampung bahagdan ng capacity ng dam.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, ang Acting Division Manager ng Dam and Reservoir Division ng NIA-MARIIS, sinabi niya na satisfactory pa rin ang integridad ng dam batay sa kanilang structural monitoring o dam safety.
Ayon kay Engr. Ablan halos real time na ang kanilang monitoring sa sitwasyon ng dam dahil sa advance technology na kanilang ginagamit.
Aniya walang silang nakitang crack sa mga pader ng dam ngunit may mga contraction.
May mga third party rin na nagmomonitor sa dam tulad ng ilang international dam safety institution mula sa uropa noong 2019.
Kaya n ng maintenance ng NIA ang mag-assess sa sitwasyon ng dam ngunit kapag hindi na kaya ay nagpapatawag ng ibang dam safety institution na mas advance na ang ginagamit na paraan.
Ayon kay Engr. Ablan, may dalawa silang isinasagawang solusyon upang maibsan ang pagdami ng silted deposits ang reservoir ng dam; ang una ay ang structural o ang pagpapatayo ng mga harang sa upstream ng dam upang hindi dumeretso sa dam ang mga silted materials at nasa labindalawa na ang naipatayo mula noong 2020.
Sa non-structural solution ay patuloy sila sa pagsasagawa ng reforestation o tree planting sa mga watershed areas na sinimulan pa noong 2014.
Isa ring solusyon ang dredging sa mga silted deposits sa loob ng reservoir ngunit malaking pondo ang kakailanganin at problema rin kung saan itatambak ang 380million cubic meters na silted materials.
Aniya sakaling matanggal ang silted materials ay problema rin ang pagdaloy ng iba pang silted materials sa upstream ng dam na tiyak na bibilis at maaaring makaapekto sa istruktura ng dam kaya prayoridad nila ang paglalagay ng harang sa mga creeks o ilog sa itaas na bahagi ng dam at ng reforestation.
Plano rin ng pamunuan na makabili ng sariling dredging machine para matanggal ang mga naipong silted materials sa reservoir ng dam.











