--Ads--

Ipinag-utos ni Senate President Sherwin Gatchalian na imbestigahan kung tunay ang mga nag-viral na “wacky” photos ng House prosecutors na kuha sa loob ng session hall ng Senado at sa mga pasilyo nito, dahil hindi umano dapat pinapayagan ang ganitong mga gawain sa loob ng institusyon.

Sinabi ni Gatchalian na inatasan na niya ang Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) na suriin ang mga kuha ng closed-circuit television (CCTV) upang tiyaking hindi gawa ng artificial intelligence (AI) at photo editing ang mga larawang kumakalat online.

Dagdag pa ni Gatchalian, maglalabas siya ng opisyal na pahayag kapag nakumpleto na ang beripikasyon.

Tinanong din ang Senate President tungkol sa mga video na nagpapakita kina dating presidential legal counsel Salvador Panelo at isang vlogger na umano’y sumasayaw sa loob ng pasilyo ng Senado.

--Ads--

Sinabi niyang kung mapapatunayang tunay ang mga insidente, magpapadala ang Senado ng liham at babala sa mga sangkot upang matiyak na mapananatili ang dignidad at respeto sa institusyon.