Nagpadala na ng karagdagang 5,000 na sundalo at 5,000 na pulis ang Espanya sa bahagi ng Valencia upang tumulong sa pagsasagawa ng relief operations sa naturang lugar bunsod ng malawakang pagbaha.
Sa ngayon ay umabot na sa 200 ang nasawi habang patuloy namang pinaghahanap ang iba pa.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Michel Abad Ramos na bagama’t bahagya nang humupa ang baha sa lugar ay marami na umanong napinsalang mga sasakyan at establisimento.
May halo kasi aniyang putik ang baha kaya naman mas lalong nahirapan ang mga residente.
Sa ngayon ay wala pa naman umanong mga Pilipino ang napaulat na naapektuhan dahil sa pagbaha.
Gayunpaman ay tiniyak pa rin ng Embahada ng Pilipinas sa Spain na handa silang tumugon sa pangangailangan ng mga Pilipino kung sakali mang kailanganin.