--Ads--
Nagsimula na ang tatlong araw na national mourning sa Spain matapos masawi ang hindi bababa sa 68 katao at marami ang masugatan sa banggaan ng dalawang tren sa Toledo nitong Miyerkules, Oktubre 28.
Ayon sa mga awtoridad, bumangga ang tren ng state-owned operator na Renfe, na may 397 pasahero, sa nakahintong tren ng pribadong operator na Iryo, na may 147 pasahero.
Iniimbestigahan na ang sanhi ng aksidente, kabilang ang computer failure na naging dahilan ng paghinto ng isang tren. Patuloy rin ang paghahanap at pagkilala sa mga biktima.
Nagpahayag ng pakikiramay si Prime Minister Pedro Sánchez, habang nananawagan naman ang mga mamamayan ng pananagutan at mas mahigpit na kaligtasan sa sistema ng tren ng bansa.
--Ads--











