--Ads--

Naglabas ng subpoena ang Senate Impeachment Court laban kay Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at ilang iba pang indibidwal bilang bahagi ng nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Bukod kay Mayor Duterte, ipinatawag din sina Atty. Gary Samonte at Police Major Jericson Sangalang upang humarap sa korte sa Setyembre 23.

Ayon kay Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero, maaari pang baguhin ang iskedyul ng kanilang pagdalo depende sa magiging progreso ng paglilitis upang hindi maantala ang kanilang mga opisyal na tungkulin.

Kabilang din sa mga pinadalhan ng subpoena sina Securities and Exchange Commission Company Registration and Monitoring Department Director Gerardo del Rosario, Civil Service Commission Assistant Commissioner Ariel Ronquillo, at Rendell Sopeña ng Philippine Government Electronic Procurement System ng Department of Budget and Management.

--Ads--

Samantala, nakatakda rin sa Setyembre 23 ang pagdinig sa usapin ng voting threshold para sa conviction sa impeachment trial, kung saan inaasahan ding magbobotohan ang mga senator-judge sa parehong araw.