Nagbabala ang House prosecution na maaaring maantala ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung paiiralin nang mahigpit ang mga technical rules sa pagpresenta ng ebidensya.
Lumabas ang isyu matapos kuwestiyunin ng depensa ang paraan ng pag-authenticate sa mga bank documents na isinumite sa impeachment court sa pamamagitan ng subpoena.
Ayon kay private prosecutor James Alih, hindi kailangang dumaan sa mahaba at paulit-ulit na proseso ang authentication lalo na kung hindi naman kinukuwestiyon ang pagiging authentic ng mga dokumento.
Samantala, iginiit ng defense counsel na si Carlo Joaquin Narvasa na mahalaga ang masusing authentication bilang bahagi ng due process ni Duterte.
Sa huli, pinayagan ni Senate impeachment court presiding officer Francis Escudero na paikliin ang proseso matapos makita kung gaano ito katagal kung bawat dokumento ay isa-isang ibe-verify.











