--Ads--
Binaha ng komento ang post ni Sunshine Cruz matapos mapansin ang tila paglaylay ng isang bahagi ng kanyang mukha.
Nilinaw niya sa social media na ito ay sanhi ng kanyang sakit na Myasthenia Gravis, isang autoimmune disease na nakakaapekto sa nerves at muscles.
Dahil sa kondisyon, pansamantalang hindi siya tumatanggap ng trabaho at inuuna ang kalusugan at pamilya.
Ayon sa mayoclinic.org, walang lunas ang sakit, ngunit may paggamot upang makontrol ang sintomas.
--Ads--
Ang sakit ay maaaring magdulot ng panghihina ng kalamnan sa mukha, lalamunan, braso, at paa, at posibleng bumagsak ang eyelids o magdulot ng hirap sa pagkain at pagsasalita.






