--Ads--
Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Sen. Bato dela Rosa para sa isang temporary restraining order (TRO) laban sa posibleng pag-isyu ng arrest warrant kaugnay ng kanyang kaso sa International Criminal Court (ICC).
Ayon sa resolusyon ng korte, tinanggihan din ang hiling ni dela Rosa para sa interim release matapos ang botong 9-5-1.
Kasunod ng desisyon, iniulat na umalis si dela Rosa sa Senado noong nakaraang linggo at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin matukoy ang kanyang kinaroroonan.










