--Ads--

Hindi maaapektuhan ang pagtestigo ni Ramil Madriaga sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara kahit na may kinahaharap itong perjury case sa korte.

Ayon sa House Committee on Justice, hiwalay ang kasong ito sa impeachment at patuloy ang proseso ng komite.

Sinabi ng komite na tatanggapin nila ang testimonya ni Madriaga sa oras na siya ay iprisinta ng nagrereklamo, kahit na may kasalukuyang kaso siya sa korte.

Itinuturing na kritikal ang testimonya ni Madriaga sa impeachment complaint laban kay Duterte. Kilala siya bilang self-confessed na bagman ni Duterte at sa kanyang sworn statement, inakusahan niya si Duterte ng pagtanggap ng campaign funds mula sa mga druglord at Philippine offshore gaming operators.

--Ads--

Inamin din ng dating aide na siya ang nagde-deliver ng malaking halaga ng pera sa utos ng Pangalawang Pangulo para sa iba’t ibang tao.

Si Madriaga ay kasalukuyang nakapiit sa Camp Bagong Diwa sa Taguig dahil sa pagkakasangkot sa kidnapping case, ngunit nagpahayag siya ng intensyon na dumalo sa impeachment proceedings sa Kamara.