Nagpahayag ng pagdududa si Senate President pro-tempore Panfilo ‘Ping’ Lacson sa biglaang pagharap kahapon ng 18 dating sundalo na umamin na naging tauhan ni dating Zaldy Co at naghatid ng male-maletang pera para kina dating House Speaker Martin Romualdez, Pangulong Bongbong Marcos, at iba pang personalidad.
Ayon kay Lacson, tila may halong kulay politika at destabilization aspect ang biglaang paglantad ng mga dating militar. Binanggit niya rin ang kahalagahan ng timing—naganap ito sa mismong araw ng ICC confirmation of charges hearing laban kay dating Rodrigo Duterte at bisperas ng anibersaryo ng EDSA People Power.
Idinagdag pa ng Senador na simboliko rin ang pagpili ng Club Filipino bilang lugar ng press conference, na may historikal na koneksyon sa EDSA 1.
Ayon sa mga dating sundalo, nagbigay si Co ng $2 milyon kay dating Antonio Trillanes IV para umano sa gastos sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).
Ngunit iginiit ni Lacson na kailangan munang suriin at patunayan ang mga pahayag. Aniya, tila hindi makatotohanan na maideliver ni Co ang P805 billion sa mga politiko, dahil ito ay katumbas ng 70% ng kabuuang P1.1 trillion flood control funds para sa 2023 hanggang 2025.





