Naaresto ng mga operatiba ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang Top 2 Regional Most Wanted Person na kinilalang si alyas “edie,” na nahaharap sa kasong murder, sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. Nungnungan 1, Cauayan City, bandang 11:15 ng umaga noong Hulyo 25, 2026.
Pinangunahan ng Manhunt Charlie Tracker Team ng Cauayan Component City Police Station ang operasyon sa pakikipagtulungan ng mga operatiba mula sa PIDMU, PIU Isabela PPO, RID-RSOG, RIU2 PIT Isabela East, Isabela HPT, RMU2, at 2nd IPMFC.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng inilabas na Warrant of Arrest kaugnay ng kasong murder. Ayon sa pulisya, walang inirekomendang piyansa para sa naturang kaso. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cauayan Component City Police Station ang suspek habang hinihintay ang kanyang turnover sa korte na naglabas ng warrant.











