--Ads--

Magkakasa ng dalawang araw na nationwide transport strike at protesta ang No to Price Hike Coalition.

Tinawag ng alyansa na pambansang welga at protesta ang isasagawa nila sa March 26 at 27.

Ito ang inanunsyo ng grupong PISTON at MANIBELA at mga kaalyado nilang mga transport group sa isang pulong balitaan sa Quezon City.

Kabilang sa alyansa ang mga grupo ng UV Express, ilang motorcycle ride-hailing app drivers, mga mangagagawa at iba pang grupo.

--Ads--

Sa isang pulong balitaan, sinabi ng grupo na walang ginagawa ang pamahalaan kasunod ito ng serye ng oil price hike dulot ng tensyon sa Middle East.

Kasabay nito, naglatag din sila ng 6-point demands para sa pamahalaan, kabilang dito ang pagtanggal sa VAT at excise tax sa produktong petrolyo, pagpapatupad ng rollback sa presyo ng krudo sa ₱55, pagbasura sa oil deregulation law at pagpapatupad ng fare hike.

Sinabi ni PISTON national president ka Mody Floranda na sisingilin nila ang Marcos administration dahil sa mabagal nitong pagtugon sa krisis sa langis.

Tampok sa March 26 ang transport strike nationwide habang sa March 27 ay magtitipon tipon sa Welcome Rotunda tsaka didiretso sa Mendiola.