--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang tsuper ng tricycle at pasahero nito matapos silang mabangga ng isang Truck sa daang sakop ng Purok 2, Brgy. Bone South, Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office, kinilala ang tsuper ng tricycle na si Eugenio Martinez, magsasaka, residente ng Bone South, Aritao, Nueva Vizcaya habang ang tsuper ng Giga Ref Van Truck ay minaneho ni Ricardo Yalung, limamput tatlong taong gulang at residente ng Brgy. Rizal, Santiago City.

Batay sa pagsisiyasat ng Aritao Police Station, binabaybay ng truck ang kahabaan ng pambansang lansangan at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay tumawid ang tricycle mula sa kaliwang bahagi ng kalsada na naging dahilan upang masalpok ng paparating na truck.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang tsuper maging ang lalaking pasahero nito na agad namang narespondehan ng mga rescuer.

--Ads--

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa aksidente at posibleng maharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injuries and Damage to Property ang tsuper ng truck.