--Ads--

Niyanig ng Magnitude 7.1 na lindol ang baybayin ng ikatlong pinakamalaking isla ng Japan.

Ang 7.1 magnitude na pagyanig ay naitala sa Hyuga-nada Sea sa silangang baybayin ng Kyushu nitong Huwebes ng hapon sa lalim na 30 kilometro, ayon sa meteorological agency ng bansa.

Nakataas na ang tsunami warning sa mga baybaying lugar ng Miyazaki, Kochi, Oita, Kagoshima at Ehime prefecture.

Inaasahan ang mga alon na may tinatayang taas na isang metro kaya hinihimok ng mga otoridad ang mga residente na lumayo sa mga baybayin at pampang ng ilog upang maiwasan ang panganib.

--Ads--

Wala namang nakitang problema ang mga empleyado sa dalawang nuclear power plant sa Kyushu.

Sinuspinde na rin ang operasyon ng Miyazaki Airport.