--Ads--

Kinastigo ni Senator Raffy Tulfo ang Department of Health (DOH) dahil umano sa pagsisinungaling nito tungkol sa pagbabalik ng mga expired na gamot sa suppliers o manufacturers.

Sa pagdinig sa 2027 budget ng DOH, ipinakita ni Tulfo ang mga litrato ng umano’y pagbaon ng expired na gamot sa Tala Hospital sa Caloocan City.

Sinabi naman ni Health Secretary Edwin Mercado na mahigit P217 milyon halaga ng gamot ang nag-expire noong 2025, habang nasa P477 milyon ang malapit nang mag-expire.

Iginiit ni Tulfo na dapat ipakita ng DOH ang mga resibong magpapatunay na napalitan ng bago ang mga expired na gamot na umano’y ibinalik sa suppliers.

--Ads--