--Ads--

Nakiisa ang mga benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers sa Brigada Eskwela ng Cauayan North Central School para maihanda ang paaralan sa pagsisimula ng panibagong School Year sa Lunes.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Faculty President Arthur Anog, sinabi nito na nakakontrata ang mga TUPAD beneficiaries ng sampung araw sa Cauayan North Central School na nagsimula kahapon alinsunod na rin sa kautusan ang Department of Labor and Employment (DOLE).

Aniya, bagama’t magsisimula na ang pasukan sa Lunes, mayroon pa rin umanong isasagawang Brigada kada Biyernes.

Isa aniya tintutukan ng mga ito ay ang gulayan sa Paaralan na upang maihanda na mataniman. Kasama kasi ito sa mga asignatura ng ilang mga mag-aaral para sa unang term.

--Ads--

Inaasahan din ang pagtaas ng bilang ng mga enrollees ngayong taon sa naturang paaralan lalo na at marami ang naiulat na transferee.

Aminado naman si Anog na mayroong kakulangan ng armchair sa kanilang paaralan kaya ang ilang silid-aralan ay gumagamit na lamang ng long table at monobloc chair.

Umaasa rin sila na magkaroon ng karagdagang classrooms upang ma-accommodate ang lahat ng mga mag-aaral.