--Ads--

Inanunsyo ni US President Donald Trump ang pansamantalang paghinto ng operasyon ng US military sa Strait of Hormuz na layong tulungan ang mga na-stranded na barko.

Ayon kay Trump, ang desisyon ay ginawa matapos ang kahilingan ng Pakistan at iba pang bansa, kasabay ng pag-usad ng negosasyon para sa posibleng kasunduan sa Iran.

Pansamantalang ititigil ang “Project Freedom” habang nananatili ang umiiral na blockade upang bigyang-daan ang final na kasunduan.

Wala pang pahayag ang Iran, habang patuloy ang tensyon sa Gulf kasunod ng mga ulat ng military operations at babala ng Revolutionary Guard sa mga barko na sumunod sa itinakdang ruta.

--Ads--