--Ads--

Sisimulan ng House prosecution panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang presentasyon ng kaso sa pamamagitan ng pagtutok sa umano’y banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Bicol Saro Rep. Terry Ridon, uunahin nilang talakayin ang Article 4 ng Articles of Impeachment, na may kaugnayan sa pahayag ni Duterte tungkol sa umano’y pag-utos ng pagpatay sakaling may mangyari sa kanya.

Paliwanag ni Ridon, “per article” ang magiging daloy ng kanilang presentasyon at pinili nilang unahin ang naturang usapin dahil ito ang may mas tuwirang ebidensiya.

Sa isang Zoom press conference noong Nobyembre 2024, sinabi umano ni Duterte na nakipag-ugnayan siya sa isang tao upang ipapatay sina Pangulong Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez kung siya ay mapatay.

--Ads--

Kasunod nito, tatalakayin din ng prosekusyon ang iba pang paratang tulad ng umano’y hindi maipaliwanag na yaman, maling paggamit ng confidential funds, at bribery.