--Ads--

Naglunsad ng panibagong airstrike ang militar ng Estados Unidos sa Iran matapos targetin ang isang lugar malapit sa Strait of Hormuz na umano’y banta sa US forces at commercial shipping routes.

Sinabi naman ng militar ng Kuwait na patuloy silang nagtatanggol laban sa mga missile at drone attacks sa gitna ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.

Samantala, iginiit ni US President Donald Trump na hindi siya magpapamadali sa anumang kasunduan sa Iran habang pinabulaanan ng White House ang ulat tungkol sa umano’y kasunduan sa pagbubukas muli ng Strait of Hormuz.Sa Lebanon, pinaigting pa ng Israel ang operasyon nito laban sa Hezbollah matapos targetin ang mahigit 150 lugar sa loob lamang ng 24 oras