Nagbanta si U.S. President Donald Trump na ideklara bilang teritoryo ng Estados Unidos ang Strait of Hormuz sa mga susunod na araw habang naghahanda umano ang Washington ng mas mahigpit na hakbang pang-ekonomiya upang pilitin ang Iran na wakasan ang digmaan.
Bilang tugon, sinabi ni Iranian Deputy Foreign Minister Kazem Gharibabadi na mananatiling sakop ng Iran ang mahalagang daluyang-tubig at ipagpapatuloy nila ang pagpapatupad ng blockade hangga’t hindi kinikilala ng Estados Unidos ang pagkatalo nito sa sigalot.
Samantala, iginiit ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na ang Islamabad Memorandum of Understanding (MoU) ay nagsilbing pagtatapos ng digmaan at hindi simpleng tigil-putukan lamang.
Ayon kay Araghchi, nilabag umano ng Estados Unidos ang kasunduan kaya muling sumiklab ang labanan, dahilan upang mawalan ng bisa ang anumang 60-araw na ceasefire na dapat sana’y mapalawig.











