--Ads--
Inanunsyo ni US Secretary of State Marco Rubio na maglulunsad ang administrasyon ni President Donald Trump ng kampanya laban sa International Criminal Court (ICC), na itinuturing nitong banta sa soberanya ng Estados Unidos.
Ayon kay Rubio, hindi papayagan ng Washington ang anumang hakbang ng ICC laban sa mga opisyal at tauhan ng Amerika. Kabilang sa mga pinag-aaralang hakbang ang travel bans, visa revocations, sanctions, at diplomatic pressure laban sa ICC.
Itinatag ang ICC noong 2002 upang litisin ang mga kaso ng war crimes, genocide, at crimes against humanity. Hindi miyembro ng korte ang Estados Unidos.











