Inanunsyo ng militar ng Estados Unidos na sinalakay nito ang mga radar at drone site ng Iran sa lungsod ng Goruk at sa isla ng Qeshm.
Kasunod nito, nag-ulat ang Kuwait ng mga pag-atake gamit ang mga missile at drone. Ito ay matapos kumpirmahin ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran na naglunsad sila ng isang ganting-salakay sa isang base na ginamit umano sa pag-atake sa kanilang Sirik Island.
Samantala, umani ng malawakang pagkondena mula sa iba’t ibang bansa ang lumalawak na invasyon ng Israel sa Lebanon. Dahil dito, pormal nang humiling ang bansang France ng isang emergency meeting sa UN Security Council upang talakayin ang lumalalang krisis.
Sa kabila ng mga sagupaan, inihayag ni US President Donald Trump na malapit na silang magkasundo ng Iran sa isang itinuring niyang “very good deal), bagamat iniulat na itinutulak ng pangulo ang mas mahigpit na mga kondisyon.
Kinumpirma naman ni Iran Foreign Minister Abbas Araghchi na patuloy ang palitan ng mensahe sa pagitan nila ng US, ngunit binigyang-diin na walang anomang tiyak hangga’t hindi pinal na nailalatag ang kasunduan.











