--Ads--

Muling nakuha ng Estados Unidos ang ikalimang straight gold medal sa Summer Olympics matapos talunin ang France sa score 98-87.

Pinagunahan ng team captain na si LeBron James ang panalo katuwang sina Stephen Curry at Kevin Durant.

Dalawang beses nang tinalo  ng team USA ang France sa gold medal games sa Olympics.

Kontrolado ng USA ang kalamangan sa buong quarter sa pamamagitan ng historic 3-point barrage ni Stephen Curry sa 4th quarter.

--Ads--

Nakatulong din sa panalo ang tatlong celtic warriors na sina Jayson Tatum, Jrue Holiday at Derrick White. Sina Tatum at White ang pangpito at pangwalong manlalaro na nagwagi ng olympic gold medal at NBA title sa isang taon lamang na unang naitala ni Holiday noong 2021. Sa kanyang ikalawang gold medal, kasama na niya si Chicago Bulls legend Scottie Pippen na natatanging manlalaro na manalo sa parehong season sa ibang okasyon.

Naitala ito ni Pippen noong 1992 at 1996.

Tanging sina Derrick White at Tyrese Haliburton naman ang hindi nasilayan sa laro ng USA at France bagamat malaki ang naitulong nila sa unang limang laro ng team sa Olympics.